Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG
Dyunyor: 'Nay Minyang, hihingi po sana ako ng baon na P500...
Minyang: Ano?! P400! Ang laki naman ng P300 na hinihingi mo! Anong gagawin mo sa P200? Akala mo, madali lang makahanap ng P100? P50 nga, hirap na akong kitain! P20 pa kaya?! Pasalamat ka, may P10 pa ako. O, eto ang P5!
Dyunyor: Akin na! Baka maging piso pa 'yan!
***
Tatlong hukom ang nagtaksil sa sambayanang Pilipino!
Isang babae at dalawang lalaking hukom! Pareho-pareho pa naman silang matalino! Kinikilala ang kahusayan nila!
Akala namin, nasa panig namin kayo! 'Yan pala, INTERES lang ninyo ang nasa isip ninyo! WE CONDEMN YOU.
Jennifer Lopez, Steven Tyler and Randy Jackson!!!
***
Minyang: Minyong, sex tayo. Minyong: Sandali lang kunin ko lang 'yung condom.
Minyang: Gago! Hindi na ako mabubuntis! Minyong: Alam ko, gaga! Pero may rayuma ang manoy ko, hindi puwedeng mabasa!
***
Usapan ng tatlong mag-kumare... Kumare #1: Magpapakulot ako. Nata-turn on kasi 'yung BF ko sa mga kulot.
Gagong 'yun!
Kumare #2: Ako naman, magpapa-short hair. Nata-turn on kasi ang BF ko sa mga short hair, eh. Hayup siya!
Minyang: Ang suwerte n'yo! Ako, ipapa-dye ko ang hair ko ng green!
Kumare #1 & #2: Ha?! Bakit naman?! Minyang: Hay, naku! Ewan ko ba 'dyan kay Minyong! Mula nang maging vegetarian, hindi na ako pinapansin!



Comments