Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG
Paglalambing ni Minyong kay Minyang... Ipangako mo sa akin na tayo'y magiging tapat na mag-asawa sa habang panahon. Ako ang kape... Ikaw ang gatas. Ako ang puto ... ikaw ang dinuguan. Ako ang dagat ... ikaw ang dalampasigan. Ako ang puno ... ikaw ang unggoy.
***
Paalaala ni Minyong sa mga kapwa good husbands... When wife commands Obey. When wife travels... Accompany. When wife is wrong... Disregard. When wife spends... Pay. When wife loses temper... Endure. When wife wants intimacy... Provide. When wife becomes unreasonable... Keep quiet. WHEW! Minyong is planning to divorce Minyang.
***
Anak : Inay! Buntis po... (Natigil ang lahat sa pagkain)
Minyang: Sino? Anak: Inay, buntis po si Tessa. Hindi po namin siya kasabay na ga-graduate, Inay... mahirap po bang magbuntis?
Minyang: Anak, mas mahirap maging ina! Anak: (umiyak) Hu! Hu!Hu! Hu! Inay, buntis din po ako! Hindi na po ako ga-graduate! Inay! Paano na po ang future ko?
Minyong: (nagalit) Tumigil ka nga sa ilusyon mo, Antonio! Buwisit kang bakla ka! Baka ibuhos ko 'tong
kumukulong tubig sa kaldero! Makikita mong buntis ka!
***
Sa prusisyon...
Fr. Damaso: ang mga lalaki, sumunod kay San Isidro Labrador, pila sa magkabilang gilid. Ang mga babae, sumunod kay Sta. Maria dela Cabeza, pila rin sa magkabilang gilid!
Mga Bading: Kami, Fr. Damaso... saan kami? Fr. Damaso: Mga bruha! Follow me! Gitna tayo para bongga!
***
Pinggoy: Dok, ikokonsulta ko sana itong nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi... isa akong unggoy! Gusto ko palaging manguto! Dok: Ganu'n ba? Sige, tapusin ko lang itong isang pasyente. Maupo ka muna d'yan... at manginain ng saging!
***
Hubo't hubad na natulog sa bukid ang magsasaka. Nagising siya sa malakas na tawa ng unggoy sa harapan niya. Inusisa ng magsasaka ang unggoy kung bakit ito tumatawa. sagot ng unggoy, "Ngayon lang kasi ako nakakita ng saging at rambutan na magkasama sa iisang puno!"
Comments