Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG
Anak: Tatay, paano n'yo po
ako ginawa ni Nanay?
Minyong: Ahh... madali
lang, anak. Kumuha kami
ng banig. Nilukot namin.
Tapos, inilagay sa sulok.
Nang tingnan namin
kinabukasan, nandoon ka na...
Anak: Ho?! Ganu'n
lang?! (Pumonta ang anak sa
kanyang kuwarto, kumuha ng
banig, nilukot at
itinabi sa sulok.)
(Kinabukasan, tiningnan ng anak
ang banig... may lumabas na
ipis!) Anak: Walang
hiya kang ipis ka! Kung
hindi lang kita anak, hinampas na kita!
***
Minyang: Anak, mag-ingat
ka. Baka may makagat
kang worms sa apple.
Dyunyor: Bakit po? Di po ba,
sila ang dapat matakot na baka makagat ko?!
***
Minyang: Hay naku! Kung
ikaw pa rin ang asawa ko, ibuburo ko lang itong akin para huwag mong pakinabangan! Minyong: Sigi! Iiihaw ko na lang din
itong akin para maisawsaw
ko pa rin.
***
Minyang: Ano 'yang binabasa
mo at pinagpapawisan ka?
Minyong: Horror story! Minyang: Anong title?
Minyong: Mga Utang Natin!
Comments