Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG
Inoperahan si Minyong. Makalipas ang isang araw, dumalaw
ang doktor at kinumusta ang pasyente.
Dok: Kumusta na po kayo?
Minyong: (mahina pa at kagigising lang) Uuhh... uhhh...
Dok: Mang Minyong.. dapat tumayo kayo at maglakad
para bumalik agad ang lakas ninyo!
Minyong: Uhhh... uuuuhhhh...
Dok: Halika! Tumayo kayo at maglakad! (itinayo ang
pasyente at pinilit palakarin)
Minyong: Uhhh! Uhhh!!! Uhhhh!!! (kahit hirap na hirap
ay nakalakad)
Nag-iyakan at nagyakapan si Minyang at ang mga anak.
Minyang: Dok! Maraming salamat po sa ginawa ninyo
kay Minyong ko!!!
Dok: Okey lang. Trabaho ko talaga 'yun.
Minyang: Dok... Si Minyong ko po ay lumpo pero
napalakad ninyo!
***
Kumpare: Mukhang bugnot ka, pare?!
Minyong: 'Yun kasing si Minyang! Nu'ng Huwebes, humingi
ng $100. Nu'ng Biyernes, humingi ng $150. Nu'ng
Sabado, humingi ng $200. At kahapon, humingi ng $250!
Kumpare: Grabe naman siyang gumastos!
Minyong: Hindi naman, pare...
Kumpare: Anong hindi?! Eh sunod-sunod ang hingi niya
sa 'yo ng pera!
Minyong: Hindi ko naman siya binigyan kahit isang dolyar eh!
Comments