Kaban ni D_BystandeR; PAKATAWANG TINAGALOG


Kumpare: O, pare! Kumusta ka na? Ang tagal ka yatang hindi nagpakita?!
 Minyong: Isang buwan akong naospitql, pare!  Kumpare: Ha? Bakit? Ano'ng nangyari? 
Minyong: Uminom kasiako ng gatas... 
 Kumpare: Ahh... nagtae ka, pare?
  Minyong: Hindi, pare. 
Kumpare: Eh bakit
naospital ka?! 
Minyong: Naupuan ako ng baka, pare!
                                                                          
***
Minyong: Pare, buntis si Minyang. Lagi naman akong nagco-condom...

Kumpare: Pare, dapat siguro, gamitan mo 'yan ng common sense. Kung hindi mo maarok sa common sense, ang dapat diyan eh lateral thinking. 

Minyong: Lateral thinking? Ano 'yun pare? Kumpare:  Ganito...Ipaliwanag ko sa 'yo... May isang binata, pumunta sa gubat. May dala siyang payong. Nakakita siya ng malaking leon na halatang gutom na gutom. Papalapit sa kanya ang leon. Iniumang ng
binata ang payong sa leon. Kinalabit... BOOM! Patay ang leon! 

Minyong: Ha! Ha! Ha! Ha! Imposible 'yan, pare! Sigurado ako, iba ang tumira sa leon!
 Kumpare: Tumpak!

***
Kumpare: Pare, balita ko, marami ka raw alagang GRO? 

Minyong: Oo, pare. Sampu lahat. At magkamukha sila. 

Kumpare: Magkakamukha? Bakit, magkakamag-anak ba silang lahat?

Minyong: Hindi sila magkakamag-anak, pare. Lahat sila, mukhang pera!

***
Anak: Inay, huwag po kayong mabibigla... buntis po ako. 

Minyang: Ha?! Paano nangyari 'yun?!

Anak: Hindi ko po sinasadya, Inay! Aksidente po 'yun! Aksidente!

Minyang: Aksidente?! Ano 'yun... Naglalakad ka sa kalye, tapos, nasagasaan ka ng "Kuwan?!"

Comments

Popular Posts