Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG


Sabay naligo ang mag-ama.

 Dyunyor: Tatay Minyong, bakit ang laki ng flappy bird mo?  Minyong: Anak, pag malaki ang flappy bird...matalino. Pag maliit... bobo. Teka, nasaan ba ang mommy mo?

Dyunyor: Nasa cottage, daddy! May kasamang genius!

                                             ***

Sa museum... 

Minyong: Ito ba ang tinatawag ninyong ART? Ganito ang MASTERPIECE? Napakapangit! Nakakasuka! Pwe!

Guide: Naku, sir! Hindi po! Salamin po iyan!

                                            ***
Minyong: Pare, ngayon ay sigurado na ako ... Ang utak ng tao ay may malaking ugat na karugtong ng bulsa ng pantalon. Ang galing, 'no?!

Kumpare: Ha?! Paano nangyari 'yon?!  Minyong: Kasi, pare ... pag masakit 'yung bulsa ko, sumasakit din 'yung ulo ko!
 Kumpare: "Tang 'na! Madalas ding mangyari sa akin 'yan, ah?!

Comments

Popular Posts