Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG

Namatay si Janet (Napoles)... diretso sa impiyerno.

Satanas: "Papipiliin kita ng parusa! Mamili ka sa tatlong Kuwarto ng Pagdurusa!"

  Sa isang kwarto, isang babae ang tinuhog habang nakatubog sa kumukulong mantika.

  "Ayoko d'yan!" tili ni Janet.

  Pangalawang kuwarto, nakatali ang isang babae habang nginangasab ng tatlong buwitre.

  "Ayoko d'yan!" tili ni Janet.

  Ikatlong kuwarto, nakakadena ang isang matandang babae habang pinapaligaya ng makisig na lalaki.

  "D'yan! D'yan ako dapat!" bulalas ni Janet.  Kinalabit ni Satanas ang makisig na lalaki at sinabihan, "May kapalit ka na!"

Comments

Popular Posts