Kaban ni D_BystandeR; PAKATAWANG TINAGALOG


Minyang: 'Mare, dati palang caregiver ang Mister mo.

Kumare: Oo, Minyang, Matagal din siyang nagtrabaho sa London.Bakit, 'mare? 

Minyang: Tinuruan niya akong maglagay ng adult diaper. Tingnan mo itong suot ko, siya ang naglagay nito!

Kumare: Ganoon ba? Hubarin mo 'yan, 'mare, at ipapaamoy ko 'yan sa kanya!  Minyang: Huwag na, 'mare! Naamoy na niya bago ko isuot!

                                           ***
Lambing ni Minyang kay Minyong... Bilang asawa mo, ayokong nasasaktan ka. Kaya kahit LAMOK lang ang nasa noo mo,handa kong barilin para lang protektahan ka!

                                         ***
Sa honeymoon, nadiskubre ng anak na babae ni Minyang na amputee ang kanyang napangasawa. Kahoy ang isang binti nito. Kinabukasan, tumawag si Minyang sa anak, "Kumusta ang firstnight n'yo, iha?"

 Napatili ang daughter, "OMG! My husband has one foot, Mommy!" 

Sey ni Minyang, "Ang suwerte mo, iha! Ang Tatay Minyong mo, 3 inches lang!!!

Comments

Popular Posts