Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG

Brod Pete: Iba na ang panahon ngayon. Noon, kapag sinabing APPLE at BLACKBERRY, alam mo na prutas ang mga 'yun.
Matt Mamon: Oo nga! At noon, pag sinabing SAMSUNG...
asawa 'yun ni Delilah!
                                               ***
Titser #1: Hay, naku! Ang mga bata sa ngayon... kung ano-ano ang itinatanong!
Titser #2: Ay! Tama ka! 'Yung isang pupil ko, itanong ba naman kung bakit walang kulay ang utot?
Titser #1: O, eh anong sinagot mo? Titser #2: Ang sabi ko,
walang kulay ang utot para may sariling identity at distinction.
Titser #1: Ha? Anong identity? Distinction saan?
Titser #2: Syempre, sa ebak! Saan pa?

                                            ***
Pinakialaman at hinalungkat ng tatlong mommy ang mga bag ng kani-kanyang anak na dalaga.

May nakitang lighter at kaha ng yosi ang unang mommy. "Nakakahiya! Naninigarilyo pala ang anak ko!" bulalas ni mommy #1.

May nakitang empty bottle ng vodka ang ikalawang mommy. "Nakakahiya! Naglalasing pala ang anak ko" sabi ni mommy #2.

 Ang ikatlong mommy, nakakita nga condom sa bag ng anak. Tilini mommy #3, "Susmaryosep! Ang anak ko, merong ari ng lalaki?!"

Comments

Popular Posts