Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG



Kumpare: Pare, nakalimutan mo na bang may utang ka
sa akin na P2,000?  Minyong: Hindi pa, pare. Pero bigyan
mo pa ako ng konting panahon at makakalimutan ko rin 'yan!

                                         ***

Maghahating-gabi... 
Minyang: Bakit hindi ka makatulog? May bumabagabag ba sa 'yo?  Minyong: Hindi ako makatulog sa kaiisip sa utang kong P50,000 kay pareng Oca.

Minyang: Buti pa, tawagan mo si pare. Sabihin mo sa kanya, hindi mo siya mababayaran para siya naman ang hindi makatulog.

                                       ***
Kinumpronta ni Minyang ang anak na dalaga...

Minyang: Totoo bang buntis ka?!

 Anak: Sorry, 'Nay Minyang...

Minyang: Walang hiya ka! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan! Iginagapang ka namin sa pag-aaral, tapos, ito pa ang igaganti mo sa amin?!

Anak: Patawad po... Minyang: Sino ang may gawa niyan?!

Anak: 'Nay, project po ito tungkol sa Miracle of Life.

Minyang: Putragis! Kahit sino pang Poncio Pilato ang bumuntis sa 'yo, ipapapulis ko! Kailangang panagutan niya ang ginawa sa 'yo! Sino! Sabihin mo kung sino! 

Anak: 'Nay... marami po, eh. Group project po kasi!

Comments

Popular Posts