Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG


Dyunyor: Tatay Minyong, 'yung boyfriend ni Ate. may baril!
Minyong: Nakita mo?
 Dyunyor: Hindi po! Pero narinig ko kagabi, sabi ni Ate... 'Sa loob mo iputok! Huwag sa loob! Delikado!'
                                       ***
Dyunyor: Nay! Nanaginip po ako kagabi! 
Minyang: Ano naman 'yun? 
Dyunyor: May trabaho na raw po ako!
Minyang: O, sige... matulog ka uli. Baka sasahod ka na!

                                      ***

Kumare: Mare, kanina pa nakadapo sa 'yo 'yang lamok.Bakit hindi mo patayin? 

Minyang: Hinihintay kong mabusog... Saka ko hahabulin para magka-appendicitis!

                                     ***
Kumpare: Pare, nabalitaan mo na ba ang nangyari kay pareng Teban kagabi? Kumain ng 10 balut... patay!
Minyong: Talaga?! Na-food poison sa balut? O na-heart attack? 
Kumpare: Hindi, pare. Sinaksak siya ng tindero.Hindi kasi siya nagbayad!

Comments

Popular Posts