Kaban ni D_BystandeR: ADUNAY PADRINO SI MARANTAN???

Talagang it's mind-boggling to speculate that the "padrino" of Marantan is that powerful and influential that the "investigating team" is powerless to force him to submit to their "official questioning." 

Pati na physical examination sa kanyang alleged "gunshot wounds" ay tinanggihan niya when in fact the investigating team is supposed to be clothed with special police powers to force anybody to answer questions to ferret out the truth. At 'yung doktor ng St. Luke Medical Center na si Arturo dela Pena na director daw sa ospital ay ayaw isurender ang mga "slugs" na allegedly taken from Marantan. Baka maghanap pa 'yan ng ibang source para palitan 'yung mga slugs na 'yun to suit whatever evil motives they want para lang makuha nila ang gusto nilang palabasin sa mga ebidensya. Kung talagang "self-inflicted ang mga tama ni Marantan ay tiyak na ang baril niya ang ginamit kaya ayaw ibigay ng doktor ang nga slugs dahil balak niyang pagtakpan si Marantan sa ginawa niyang kabalbalan. At isa pa, bakit nand'yan siya nagpa-confine sa isang mamahaling ospital na balita ko ay P3,500 ang lowest daily rate, dahil ba kayangkaya pagbayaran sa nakuha nilang "red bag" na may lamang P100 million at idagdag pa doon ang sinabi sa anak ni Supt. Boy Consemino na may dalang P5 million ang tatay niya para sa isang transaksyon ng kanilang lakad di ba ang total ay aabut sa P105 million.

 Kahit pa matalsik sa trabaho niya si Marantan ay sigurado na ang kanyang kinabukasan sa laking perang nakulimbat nila sa mga patay.

Comments

Popular Posts