Kaban ni D_BystandeR; PAKATAWANG TINAGALOG


Sumakay sa bus si Minyang karga-karga ang kanyang anak.

Kundoktor: Ang pangit naman ng anak ninyo, misis!
Minyang: Grabe kang manlait, ah?! Isusumbong kita sa
               inspektor para matanggal ka sa trabaho!

Tamang-tama, pumasok sa loob ng bus ang inspektor kaya sinamantala ni Minyang ang pagkakataon.

Minyang: Sir, magrereklamo lang po ako. Kasi, walang galang 'yang kundoktor ninyo. Kung makapanlait, wagas!
Inspektor: Sige, isulat mo sa papel ang iyong reklamo.

Minyang: Wala po akong papel at ballpen!

Inspektor: Sige, itong ballpen at papel ko na lang ang gamitin mo.  Isulat mo riyan ang reklamo mo. Ako muna ang    kakarga sa alaga mong unggoy!

                                             ***
Magbubukas ng bagong boutique ang bagong business partners na sina Senador Ralph Recto at Loren Legarda. Ito'y tatawaging Ralph-Loren boutique. Sa mga dadagsang customers, ang boutique ay matatagpuan sa panulokan ng Recto at Legarda.

Comments

Popular Posts