Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG

Once upon a time may isang binata at isang dalaga na labis ang pag-ibig sa isa't isa. Gusto nilang mag-isang dibdib, ngunit tutol ang kani-kanyang mga magulang. Nagpasiya silang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa bangin. Hindi maatimng binata na masaksihan ang pagpanaw ng kanyang minamahal kaya nauna siyang tumalon. Nagbago ang isip ng dalaga. Nagpasalin-salin ang alamat na ito sa kalalakihan kaya napagpasyahan nila... LADIES FIRST!

                                         ***
Kinausap ni Kamatayan si Pedro, "Sinusundo na kita, Pedro. Oras mo na..." "Huwag na po muna ngayon. May gagawin pa ako," pakiusap ni Pedro. "Hindi puwede. Ikaw na ang naka-line up sa listahan ko para sa year of the Water Snake," sabi ni Kamatayan. "Mamaya na! Ipagtitimpla muna kita ng kape!" hirit ni Pedro. Nilagyan ni Pedro ng pampatulog ang kape kaya nakatulog si Kamatayan.  Binura ni Pedro ang pangalan niya sa unahan at inilagay sa pinakahuli. Makalipas ang isang oras, nagising si Kamatayan at ang sabi kay Pedro, "Ohh.. napasarap ang tulog ko, kaibigan! Bilang gantimpala sa kabutihan mo, sa hulihan na lang ako mag-uumpisa!"

Comments

Popular Posts