Kaban ni D_BystandeR: PAKATAWANG TINAGALOG

Minyong: Bakit ang aga-aga, pagkasama ng mukha mo?

Minyang: Naiinis kasi ako sa balita sa diyaryo, eh! baka maging legal na rin daw sa Pilipinas ang SAME SEX MARRIAGE, eh! Yuck! Kadiri! Kainis   talaga! Ang baboy!

Minyong: Sus! OK lang 'yan! Ako nga... matagal nang  kasal sa kabayo, eh!

                                            ***
Dyunyor: Inay, kailangan ko po ng P3,000. Project po  sa school. Sasama ako papuntang Tagaytay.

Minyang: Naku, tigil-tigilan mo nga 'yang FIELD TRIP na 'yan at puro aksidente tungkol d'yan ang                laman ng balita ngayon!

Dyunyor: (nag-isip ng magandang katwiran) Inay...               OUTING po ang pagpunta namin sa Tagaytay.               Hindi field trip!

Minyang: Outing ba kamo? Mabuti na ang maliwanag. Akala ko kasi eh field trip. Sige! Pwede kang   sumama! Eto ang P3,500!

                                     ***
Nakabasa ng traffic sign si Minyong... TURN LEFT 
WITH CARE. Naintindihan ko nang lubos ng tunay 
na ibig sabihin nito... "Kung mangangaliwa na, ingat ka!"

Comments

Popular Posts